Monday, 10 February 2020

Uwiwisjd

Paano ko malalampasan to?




"Trust in the LORD with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.

In all thy ways acknowledge him, and he shall direct thy paths."


Kasama sa buhay ang mga pagsubok. Sino nga bang tao sa na naninirahan sa mundo ang walang problema? Ang mga pagsubok bang ating kinakaharap ang mas magiging dahilan ng ating pagsuko? O ito ang magtuturo sa atin upang makita kung gaano nga ba kaganda ang buhay.


May mga pagkakataong nais ko nang sumuko dahil sa mga pagsubok at problemang dumating. Tila parang ilog na hindi tumitigil sa pag agos na unti-unti akong inaagos palayo sa paniniwalang masarap at masayang mabuhay sa mundo. Hindi mahahalata sa pisikal na anyo ang kalungkutang dinadanas. Sa likod ng mga abot langit na ngiti, ay may nakatagong madilim na imahe. Gabe-gabe, mga luhang parang ulan na hindi tumitigil sa pag buhos kasabay ng pagkakamuhi at masasakit na salitang inaalala galing sa mga taong dapat kasangga sa buhay. Dumating sa puntong nais  nang wakasan o kitilin ang sariling buhay ngunit merong bahaging tumitigil sa ideyang nabuo sa aking isipan. Kahit anong kagustuhang gawin ang bagay na hindi dapat maaring gawin ay hindi ko magawa dahil may pwersang pumipigil na hindi dapat gawin ang bagay na alam kong makakasama. Palaging inaalala na may Diyos na handang makinig sa mga problemang sinasapit.


Isa lang ang natutunan ko. Matuto kang lumapit at humingi ng tawad sa Diyos. Sa lahat ng pagkakataon at hirap ng sitwasyon na nararanasan, sa masasakit at masalimuot na iyong napagdaanan, palaging may liwanag na nag-aantay sa labas ng iyong madilim na tahanan. Dapat ang pagtitiwala ay nasa Diyos lamang. Dahil siya lang ang nakakaalam para sa iyong ikakabuti. Sa lahat ng pagbuo ng desisyon, dapat siya ay laging kasama at alamin kung tama ba o mali ang gagawin. Ibigay sa kanya ang lahat at tayo'y hindi nya pababayaan. Gagabayan patungo sa tamang daang ating tatahakin.